Bataan Peninsula State University

Ang teatro bilang lunsaran sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan (Record no. 6534)

MARC details
000 -LEADER
fixed length control field 04274ntm a2200169 a 4500
001 - CONTROL NUMBER
control field 29983
003 - CONTROL NUMBER IDENTIFIER
control field 0000000000
005 - DATE AND TIME OF LATEST TRANSACTION
control field 20240411192452.0
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION
fixed length control field 181123n 000 0 eng d
100 1# - MAIN ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name De Leon, Jospefina P.
245 10 - TITLE STATEMENT
Title Ang teatro bilang lunsaran sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan
Medium [manuscript] /
Statement of responsibility, etc. De Leon, Jospefina P.
260 ## - PUBLICATION, DISTRIBUTION, ETC.
Place of publication, distribution, etc. BPSU.
300 ## - PHYSICAL DESCRIPTION
Extent xii, 119 p ;
Dimensions 28 cm.
520 ## - SUMMARY, ETC.
Summary, etc. Ang pag-aaral na ito ay ukol sa Pamamaraang Teatro bilang Lunsaran sa pagtuturo ng panitikan sa mga piling mag-aaral sa Grade 9 sa City of Balanga National High School, Taong Panuruan 2016-2017. Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay nasa sa Grade 9 na binubuo ng limampu (50) na pinili sa paraang random sampling teknik. May labing-limang (15) lalaki at tatlumpu't limang (35) babae. Hinati sa limang (5) grupo ang mga mag-aaral. Ang bawat grupo ay pumili ng isang kabanata mula sa nobelang Noli Me Tangere. Sa pangangalap ng mga datos, ang mananaliksik ay gumamit ng nobelang Noli Me Tangere mula sa panulat ni Dr. Jose Rizal na binubuo ng tatlumpu't siyam (39) na kabanata. Ang mga kabanatang napili ay Kabanata III- Ang Hapunan, Kabanata VII- Ang Pag-uusap sa Asotea, Kabanata XV- Ang mga Sakristan, Kabanata XX- Ang Pulong sa Tribunal at Kabanata XLVII- Ang Dalawang Donya. Naghanda ang guro ng pagsusulit para sa pretest at posttest na may 35 aytem. Ang pagsusulit ay pinasagutan bago at pagkatapos isagawa ang eksperimental na pamamaraan. Nagsagawa rin ng limang beses na balidasyon sa pagsusulit. Bumuo rin ng instruksiyonal modyul na naglalaman ng mga gawain na nakabatay sa aralin. Batay sa mga findings ng pag-aaral, nabatid na ang hinuha na walang mahalagang kaugnayan sa mga mag-aaral ang pamamaraang teatro sa pagtuturo sa resulta ng performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay hindi tinatanggap sapagkat batay sa konklusyon ng pag-aaral, ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamaraang teatro ng pagtuturo ay lubhang kasiya-siya dahil nagkaroon ng pag-unlad ang mga mag-aaral na sumailalim sa pamamaraang teatro. Inirerekomenda na pataasin pa ang komunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan tulad ng nobela na kinapapalooban ng mga gawain tulad ng pagsulat ng iskrip at pagtatanghal ng teatro. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng kakayahang makasunod, makapasa at masusubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Kinakailangang ang mga paaralan ay makahanap ng mga pamamaraan upang mas maging madali ang pagsasakatuparan ng pamamaraang ito para sa panig ng mga mag-aaral, sa gayo'y mas mapaunlad pa ang kanilang pagkatuto lalo na sa asignaturang Filipino. Sa ganitong pamamaraan ay magiging kawili-wili sa pagtalakay sa mga aralin lalo na't kung ang bawat mag-aaral ay matutuklasan at mahahasa ang kanilang kasanayan sa pagsulat ng iskrip at pagtatanghal ng teatro. Ang mga gurong gumagamit ng tradisyunal na pamamaraan ay mas magiging bihasa lalo na't kung sila mismo ay mapapaunlad nila ang kanilang kasanayan at magiging malikhain sa pagsusulat. Iminumungkahi na magkaroon pa ng masusing pag-aaral upang magkaroon ng higit na oras upang isagawa ang eksperimentong katulad nito, sa gayo'y magiging makabuluhan ang pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral. Nangangailangan ng sapat na programang magpapaunlad sa kakayahan ng mga guro sa pagtuturo ng panitikan. Ang ganitong gawain ay inaasahang makatutulong sa pagpapataas ng performans ng mga mag-aaral sa Filipino. Upang masukat at mapataas pa ang komunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral batay sa mga akdang pampanitikan, ang mananaliksik ay may mungkahi na gumamit ng pamamaraang teatro. Dahil sa pamamaraang ito nalilinang ang kasanayan ng mga mag aaral sa pagbasa at sa pakikipag-ugnayan nila sa kanilang kamag-aral sa pamamagitan ng pangkatang gawaing iniatas sa kanila ng guro. Higit na kasiya-siya ang pag-aaral ng mga viii mag-aaral sa Filipino sa pamamagitan ng teatro lalo na ngayong panahon ng modernisasyon.
650 #7 - SUBJECT ADDED ENTRY--TOPICAL TERM
Topical term or geographic name entry element Literature
General subdivision Study and teaching.
Source of heading or term sears
Holdings
Withdrawn status Lost status Damaged status Not for loan Home library Current library Shelving location Date acquired Full call number Barcode Date last seen Price effective from Koha item type
        Main-Graduate School Library Main-Graduate School Library Theses 11/23/2018 899.211 D346 3BPSU00042876 08/08/2024 03/07/2024 Theses
Bataan Peninsula State University

  All rights Reserved
  Bataan Peninsula State University
  © 2024

Branches :

Abucay Campus: Bangkal, Abucay, Bataan, 2114
Bagac Campus: Bagumbayan, Bagac, Bataan 2107
Balanga Campus: Don Manuel Banzon Ave., Poblacion, City of Balanga, Bataan 2100
Dinalupihan Campus: San Ramon, Dinalupihan, Bataan, 2110
Orani Campus: Bayan, Orani, Bataan, 2112
Main Campus: Capitol Compound, Tenejero, City of Balanga, Bataan 2100

Powered by Koha