Bataan Peninsula State University
Image from Google Jackets

Pagsusuri sa mga gawaing pagsulat gamit and sumisibol na gramatikang Filipino / [manuscript] Isaac N. Valdez

By: Material type: TextTextPublication details: Balanga City: BPSU, 2020.Description: xiv, 171 pp.; 28 cmSubject(s): Summary: Buhat ng mga pumaiimbulog na mga pagbabagong nagaganap sa wika, tumataas din ang pangangailangan sa pag-aaral o pananaliksik upang makaagapay sa pagsibol ng mga makabagong pamamaraan. Patunay lamang ang mga pagbabagong ito na ang wikang Filipino ay buhay sapagkat ito ay dinamiko. Naging salalayan ng mananaliksik na pagaralan ang pagsibol ng mga makabagong pamamaraan sa paggamit ng wika bunsod ng maalab na paghahangad ng Komisyon sa Wikang Filipino na patalinuhin ang wikang pambansa-ang wikang Filipino. Ito ang naging inspirasyon ng mananaliksik upang pagaralan ang Sumisibol na Gramatika ng Filipino buhat na rin sa pag-aaral na isinulat ni Aurora E. Batnag. Bilang dulog sa pananaliksik, gumamit ng kwalitatibong uri ng pananaliksik na nilapatan ng Textual Analysis bilang pamamaraan sa isinagawang pagsusuri. Ginamit ang kalipunan ng iba't ibang uri ng teksto bilang pangunahing datos sa pananaliksik na sinuri gamit ang pamantayan sa kalinawan na nakapaloob sa pagsusuri ng pagpapahayag ng ideya at konsepto ng pangungusap, gamit at estruktura ng salita. Sinuri din ang kaangkupan sa paggamit ng sumisibol na gramatika na tumuon sa pagsusuri ng tuntunin panggramatika. Sa pagsusuri ng dalas ng pagkakagamit ng mga makabagong gramatika lumabas na karamihan sa mga ito ay ginagamit sa pagsulat ng mga mag-aaral liban sa gamit ng ix panghalip na ''siya'' bilang pantukoy sa bagay at gamit, gamit ng ''ng'', at mga panlaping [i-], [-hin], at [-in]. Sa mga inilapat na pagsusuri lumabas na ang mga teoryang itinala ni Batnag (2008) tungkol sa sumisibol na gramatika ay ginagamit ng mga mag-aaral sa pagsulat ng teksto liban sa teoryang pagpasok ng ''so'' at ''although.'' Sa patuloy na pagsusuring isinagawa, nakapagtala ang mananaliksik ng iba pang tuntunin kaugnay ng sumisibol na gramatika: hindi lamang nagaganap sa panghalip na siya ang bagong sibol na pamamaraan sa gamit nito. Ito ay nagaganap sa iba pang panghalip panao gaya ng: sila, nila, niya at kanila; hindi lamang nagaganap ang pagpapalitan ng mga panlaping [i]- at [-in], gayundin sa hulaping [-hin] na nakikipagpalitan sa unlaping [i-]; hindi lamang nagaganap ang pagkakaltas ng panlaping [i] sa unahan ng mga salita gayundin sa gitna bilang gitlapi; hindi gaanong suliranin ang gamit ng maikling ''ng'' dahil kapansin-pansing na dominahan ng kalituhan sa gamit ng ''nang'' na mahaba kaugnay ng mga tuntunin sa paggamit nito. Kung saan, madalas na ginagamit ang ''ng'' na maikli upang palitan ang ''nang'' na mahaba bilang pang-angkop; sumisibol na gramatika rin ang gamit ng gitling (-) sa pamamagitan ng pagkakaltas ng gitling (-) sa pagitan ng pantig na nagtatapos sa katinig sa sinusundang pantig na nagsisimula sa patinig at pag-aalis ng gamit ng gitling sa mga salitang inuulit; sumisibol na gramatika rin ang pagpapalitan ng /d/ at /r/ hindi lamang bilang pantukoy gaya ng rin, din, raw at daw maging sa loob ng salita ay nagaganap ang pagpapalitang ito; sumisibol na gramatika rin ang pagbabaybay gamit ang mga katagang [sa], [na] at [pa] sa mga pantukoy gaya ng [rin] at [din] at salitang [lamang] at maituturing din bilang sumisibol na gramatika ang madalas na paggamit ng [pang-] sa halip na [pan-] at [pam-]. x Sa isinagawang pagsusuri sa kaangkupan ng mga sumisibol na gramatika, lahat ng naitalang sumisibol na gramatika kasama ng iba pang anyo nito ay kinakitaan ng pagtaliwas sa tuntuning panggramatika liban sa pagpapalitan ng mga panlaping [i-], [-in] at -hin. Samantala, sa pagsusuri ng kalinawan sa gamit ng sumisibol na gramatika, hindi nito naapektuhan ang kahulugan ng pangungusap at salita liban sa pagpapalitan ng [i-], [-in] at [-hin] bunsod ng pagbabago ng pamamaraan ng gamit nito gayundin sa kaso ng salitang mag-isa na hindi ginamitan ng gitling (-) kaya't nabuo ang salitang magisa na tumutukoy sa proseso ng pagluluto. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring makapagbukas ng panibagong pintuan sa mas malalim pang pag-aaral tungkol sa pagbabago ng Gramatikang Filipino.
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)

Thesis (MAEd-FIL) BPSU,2020.

Buhat ng mga pumaiimbulog na mga pagbabagong nagaganap sa wika, tumataas din ang pangangailangan sa pag-aaral o pananaliksik upang makaagapay sa pagsibol ng mga makabagong pamamaraan. Patunay lamang ang mga pagbabagong ito na ang wikang Filipino ay buhay sapagkat ito ay dinamiko. Naging salalayan ng mananaliksik na pagaralan ang pagsibol ng mga makabagong pamamaraan sa paggamit ng wika bunsod ng maalab na paghahangad ng Komisyon sa Wikang Filipino na patalinuhin ang wikang pambansa-ang wikang Filipino. Ito ang naging inspirasyon ng mananaliksik upang pagaralan ang Sumisibol na Gramatika ng Filipino buhat na rin sa pag-aaral na isinulat ni Aurora E. Batnag. Bilang dulog sa pananaliksik, gumamit ng kwalitatibong uri ng pananaliksik na nilapatan ng Textual Analysis bilang pamamaraan sa isinagawang pagsusuri. Ginamit ang kalipunan ng iba't ibang uri ng teksto bilang pangunahing datos sa pananaliksik na sinuri gamit ang pamantayan sa kalinawan na nakapaloob sa pagsusuri ng pagpapahayag ng ideya at konsepto ng pangungusap, gamit at estruktura ng salita. Sinuri din ang kaangkupan sa paggamit ng sumisibol na gramatika na tumuon sa pagsusuri ng tuntunin panggramatika. Sa pagsusuri ng dalas ng pagkakagamit ng mga makabagong gramatika lumabas na karamihan sa mga ito ay ginagamit sa pagsulat ng mga mag-aaral liban sa gamit ng ix panghalip na ''siya'' bilang pantukoy sa bagay at gamit, gamit ng ''ng'', at mga panlaping [i-], [-hin], at [-in]. Sa mga inilapat na pagsusuri lumabas na ang mga teoryang itinala ni Batnag (2008) tungkol sa sumisibol na gramatika ay ginagamit ng mga mag-aaral sa pagsulat ng teksto liban sa teoryang pagpasok ng ''so'' at ''although.'' Sa patuloy na pagsusuring isinagawa, nakapagtala ang mananaliksik ng iba pang tuntunin kaugnay ng sumisibol na gramatika: hindi lamang nagaganap sa panghalip na siya ang bagong sibol na pamamaraan sa gamit nito. Ito ay nagaganap sa iba pang panghalip panao gaya ng: sila, nila, niya at kanila; hindi lamang nagaganap ang pagpapalitan ng mga panlaping [i]- at [-in], gayundin sa hulaping [-hin] na nakikipagpalitan sa unlaping [i-]; hindi lamang nagaganap ang pagkakaltas ng panlaping [i] sa unahan ng mga salita gayundin sa gitna bilang gitlapi; hindi gaanong suliranin ang gamit ng maikling ''ng'' dahil kapansin-pansing na dominahan ng kalituhan sa gamit ng ''nang'' na mahaba kaugnay ng mga tuntunin sa paggamit nito. Kung saan, madalas na ginagamit ang ''ng'' na maikli upang palitan ang ''nang'' na mahaba bilang pang-angkop; sumisibol na gramatika rin ang gamit ng gitling (-) sa pamamagitan ng pagkakaltas ng gitling (-) sa pagitan ng pantig na nagtatapos sa katinig sa sinusundang pantig na nagsisimula sa patinig at pag-aalis ng gamit ng gitling sa mga salitang inuulit; sumisibol na gramatika rin ang pagpapalitan ng /d/ at /r/ hindi lamang bilang pantukoy gaya ng rin, din, raw at daw maging sa loob ng salita ay nagaganap ang pagpapalitang ito; sumisibol na gramatika rin ang pagbabaybay gamit ang mga katagang [sa], [na] at [pa] sa mga pantukoy gaya ng [rin] at [din] at salitang [lamang] at maituturing din bilang sumisibol na gramatika ang madalas na paggamit ng [pang-] sa halip na [pan-] at [pam-]. x Sa isinagawang pagsusuri sa kaangkupan ng mga sumisibol na gramatika, lahat ng naitalang sumisibol na gramatika kasama ng iba pang anyo nito ay kinakitaan ng pagtaliwas sa tuntuning panggramatika liban sa pagpapalitan ng mga panlaping [i-], [-in] at -hin. Samantala, sa pagsusuri ng kalinawan sa gamit ng sumisibol na gramatika, hindi nito naapektuhan ang kahulugan ng pangungusap at salita liban sa pagpapalitan ng [i-], [-in] at [-hin] bunsod ng pagbabago ng pamamaraan ng gamit nito gayundin sa kaso ng salitang mag-isa na hindi ginamitan ng gitling (-) kaya't nabuo ang salitang magisa na tumutukoy sa proseso ng pagluluto. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring makapagbukas ng panibagong pintuan sa mas malalim pang pag-aaral tungkol sa pagbabago ng Gramatikang Filipino.

There are no comments on this title.

to post a comment.
Bataan Peninsula State University

  All rights Reserved
  Bataan Peninsula State University
  © 2024

Branches :

Abucay Campus: Bangkal, Abucay, Bataan, 2114
Bagac Campus: Bagumbayan, Bagac, Bataan 2107
Balanga Campus: Don Manuel Banzon Ave., Poblacion, City of Balanga, Bataan 2100
Dinalupihan Campus: San Ramon, Dinalupihan, Bataan, 2110
Orani Campus: Bayan, Orani, Bataan, 2112
Main Campus: Capitol Compound, Tenejero, City of Balanga, Bataan 2100

Powered by Koha