Kabisaan ng kulturang popular sa pagtuturo ng tayutay [manuscript] / Jessa P. Enriquez.
Material type: TextPublication details: Balanga City : BPSU, 2022.Description: xv, 102 pp. ; 28 cmSubject(s): Summary: Ang pag-aaral na ito ay sumuri sa kabisaan ng paggamit ng kulturang popular na musika, pelikula at social media sa pagtuturo ng tayutay sa mga mag-aaral ng Mariveles National High School- Poblacion ng Ikawalong baitang sa Taong Pampanuruan 2020-2021. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay mga piling mag-aaral sa nasabing paaralan. Ang mga tagatugon ay hinati sa dalawang pangkat: hindi kontrolado sa ilalim ng tradisyunal a pamamaraan at kontroladong grupo sa ilalim ng estratehiyang kulturang popular. Isinakatuparan ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng Zoom App bilang pagsunod sa tuntunin ng pamahalaan tungkol sa safety protocols sa panahon ng pandemya. Isinagawa ang tatlong sesyon ng pagtuturo sa dalawang magkaibang pangkat sa ilalim ng tradisyunal at estratehiyang kulturang popular gamit ang parehong kompetensiya. Sa pagsukat naman ng natutuhan ng mga mag-aaral bawat pagkatapos ng sesyon ay ginamit ang isang talatanungan na nasa anyong pagsusulit na sinagutan pagkatapos makapanood ng ilang clips mula sa MTV at pelikula na kinalulunanan ng mga linya ng awitin at pelikulang Pilipinong mayroong Tayutay. Ang mga tayutay na Metonomiya, Eupemismo, Simile at Pagmamalabis ay gagamitin upang mailarawan ang mga linya ng pelikula at awitin na gumagamit ng tayutay. Sa pangangalap ng datos, ang mananaliksik ay gumamit ng mga talatanungan. Ang mga nakalap na datos ng mananalisksik ay sinuri sa pamamagitan ng naaangkop na pang-istatistikong pamamaraan. Ang mga resulta ng pagsusulit ng mga mag-aaral ay sinuri gamit ang t-test for Equality of Means at Deskriptibong Istatistika. Batay sa mga fayndings ng pag-aaral, nabatid na ang null hypothesis na walang mahalagang kaugnayan ang paggamit ng kulturang popular sa anyo ng musika at pelikula sa pagkatuto ng tayutay ay tinatanggihan. Batay sa mga konklusyon sa pag-aaral, inirekomenda na paigtingin pa ang paggamit ng mga estratehiya sa pagtuturo ng tayutay sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga mga Pandaigdigang Worksyap at Webinars a maaaring ilunsad sa Facebook Page ng Division Office na may mga libreng trainings para sa mga guro na makatutulong sa kanila na makalikha pa ng iba't ibang estratehiya upang higit a maging mabisa ang pagtuturo ng tayutay. Kinakailangan din na ang mga paaralan ay makahanap ng mga pamamaraan upang mas maging madali ang pagsasakatuparan ng pamamaraang to para sa panig ng mga mag-aaral. Maaaring maglaan ang bawat paaralan ng wifi, laptop at audio visual room kung saan maaaring makapanood at makapagsuri ang mga mag-aaral ng mga awitin o pelikula na kakikitaan ng mga linya na ginamitan ng mga tayutay, sa gayon ay mas mapaunlad pa ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Kailangan ding mapangunahan ng guro ang pagkakaroon ng mataas na interes sa pagtuklas ng iba't ibang kaparaanan upang matutuhan ang tayutay, unang magganyak sa pagtuturo nang may kaganapan sa buhay, sa ganitong paraan ay magaganyak din ang mga mag-aaral na pahalagahan ang isa sa mga yaman sa pagpapahayag ng kaisipan ng ating wika. Maaaring maghanda ang mga guro ng mga piling MTV, patalastas o movie clips na kinahihiligan ng mga mag-aaral upang higit silang magganyak sa pag-aaral ng araling tayutay. Naipakikita ng tayutay ang kakanyahan ng wika na ipahayag ang isang konsepto sa maikling paraan. May hiwagang tinataglay ang tayutay na lubhang nakapagpapayabong ng ating isipan kasabay ng pagtingkad ng ating lahi. Nagging mas matingkad ang mga ideya dahil sa kayamanang ito ng ating wika. Nagagawa ng tayutay na maging matalas ang isipin ng mga gumagamit nito. Maaari nitong mapagaan o maipaliwanag ang isang masalimuot na konsepto, maaari rin naman nitong gawing mabigat o masining ang isang payak na konsepto. Malaki ang gampanin ng social media sa pagsasakatuparan n estratehiyang ito sa pagtuturo ng tayutay, dahil napatunayan sa pag-aaral a ito na mas tumaas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng integrasyon ng pelikula, musika at kulturang popular sa pagtuturo ng tayutay.Item type | Current library | Call number | Status | Date due | Barcode | |
---|---|---|---|---|---|---|
Theses | Main-Graduate School Library Theses | 808.032 En59 (Browse shelf(Opens below)) | Available | 3BPSU00043496. |
Thesis (MAED-FIL) - BPSU, 2022.
Ang pag-aaral na ito ay sumuri sa kabisaan ng paggamit ng kulturang popular na musika, pelikula at social media sa pagtuturo ng tayutay sa mga mag-aaral ng Mariveles National High School- Poblacion ng Ikawalong baitang sa Taong Pampanuruan 2020-2021. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay mga piling mag-aaral sa nasabing paaralan. Ang mga tagatugon ay hinati sa dalawang pangkat: hindi kontrolado sa ilalim ng tradisyunal a pamamaraan at kontroladong grupo sa ilalim ng estratehiyang kulturang popular. Isinakatuparan ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng Zoom App bilang pagsunod sa tuntunin ng pamahalaan tungkol sa safety protocols sa panahon ng pandemya. Isinagawa ang tatlong sesyon ng pagtuturo sa dalawang magkaibang pangkat sa ilalim ng tradisyunal at estratehiyang kulturang popular gamit ang parehong kompetensiya. Sa pagsukat naman ng natutuhan ng mga mag-aaral bawat pagkatapos ng sesyon ay ginamit ang isang talatanungan na nasa anyong pagsusulit na sinagutan pagkatapos makapanood ng ilang clips mula sa MTV at pelikula na kinalulunanan ng mga linya ng awitin at pelikulang Pilipinong mayroong Tayutay. Ang mga tayutay na Metonomiya, Eupemismo, Simile at Pagmamalabis ay gagamitin upang mailarawan ang mga linya ng pelikula at awitin na gumagamit ng tayutay. Sa pangangalap ng datos, ang mananaliksik ay gumamit ng mga talatanungan. Ang mga nakalap na datos ng mananalisksik ay sinuri sa pamamagitan ng naaangkop na pang-istatistikong pamamaraan. Ang mga resulta ng pagsusulit ng mga mag-aaral ay sinuri gamit ang t-test for Equality of Means at Deskriptibong Istatistika. Batay sa mga fayndings ng pag-aaral, nabatid na ang null hypothesis na walang mahalagang kaugnayan ang paggamit ng kulturang popular sa anyo ng musika at pelikula sa pagkatuto ng tayutay ay tinatanggihan. Batay sa mga konklusyon sa pag-aaral, inirekomenda na paigtingin pa ang paggamit ng mga estratehiya sa pagtuturo ng tayutay sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga mga Pandaigdigang Worksyap at Webinars a maaaring ilunsad sa Facebook Page ng Division Office na may mga libreng trainings para sa mga guro na makatutulong sa kanila na makalikha pa ng iba't ibang estratehiya upang higit a maging mabisa ang pagtuturo ng tayutay. Kinakailangan din na ang mga paaralan ay makahanap ng mga pamamaraan upang mas maging madali ang pagsasakatuparan ng pamamaraang to para sa panig ng mga mag-aaral. Maaaring maglaan ang bawat paaralan ng wifi, laptop at audio visual room kung saan maaaring makapanood at makapagsuri ang mga mag-aaral ng mga awitin o pelikula na kakikitaan ng mga linya na ginamitan ng mga tayutay, sa gayon ay mas mapaunlad pa ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Kailangan ding mapangunahan ng guro ang pagkakaroon ng mataas na interes sa pagtuklas ng iba't ibang kaparaanan upang matutuhan ang tayutay, unang magganyak sa pagtuturo nang may kaganapan sa buhay, sa ganitong paraan ay magaganyak din ang mga mag-aaral na pahalagahan ang isa sa mga yaman sa pagpapahayag ng kaisipan ng ating wika. Maaaring maghanda ang mga guro ng mga piling MTV, patalastas o movie clips na kinahihiligan ng mga mag-aaral upang higit silang magganyak sa pag-aaral ng araling tayutay. Naipakikita ng tayutay ang kakanyahan ng wika na ipahayag ang isang konsepto sa maikling paraan. May hiwagang tinataglay ang tayutay na lubhang nakapagpapayabong ng ating isipan kasabay ng pagtingkad ng ating lahi. Nagging mas matingkad ang mga ideya dahil sa kayamanang ito ng ating wika. Nagagawa ng tayutay na maging matalas ang isipin ng mga gumagamit nito. Maaari nitong mapagaan o maipaliwanag ang isang masalimuot na konsepto, maaari rin naman nitong gawing mabigat o masining ang isang payak na konsepto. Malaki ang gampanin ng social media sa pagsasakatuparan n estratehiyang ito sa pagtuturo ng tayutay, dahil napatunayan sa pag-aaral a ito na mas tumaas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng integrasyon ng pelikula, musika at kulturang popular sa pagtuturo ng tayutay.
There are no comments on this title.