Bataan Peninsula State University
Image from Google Jackets

Epekto ng Pamamaraang Komiks sa Antas ng Komprehensyon sa Pagbasa / Ravago, Marites Manrique.

Material type: TextTextSeries: Copyright date: Bataan Peninsula State University : Ravago, Marites Manrique, March 2015Description: 116 p. ; 27 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s): Summary: Ang pag-aaral na ito ay ukol sa Pamamaraang komiks sa antas ng komprehensyon sa pagbasa sa asignaturang Filipino sa mga piling mag-aaral sa Grade 7-Science, Technology, And Engineering Program (STEP) sa Luakan National High School, taong panuruan 2014-2015. Ang mga respondent ng pag-aaral na ito ay nasa Grade 7 -STEP na binubuo ng tatlumpu (30) na hinati sa dalawang grupo sa paraang random sampling teknik. Mayroong walang (8) lalaki at pitong (7) babae sa bawat grupo. Sumasalilalim sa tradisyunal na pamamaraan ang labindalawa (15) at ang isang grupo naman ay nasa eksperimental. Sa pangangalap ng mga datos, ang mananaliksik ay gumamit ng Curicculum Module Guide ng K to 12 na sinipi ang akdang pampanitikan ng mga Bisaya na may pretest at posttest na may 35 aytem. Ang pagsusulit ay pinasagutan bago at pagkatapos isagawa ang tradisyunal at eksperimental na pamamaraan. Nagsagawa rin ng tatlong beses na balidasyon sa pag susulit. Bumuo rin ng instruksiyonal modyul na naglalaman ng mga Gawain na nakabatay sa aralin. Batay sa findings ng pag-aaral, nabatid na ang hinuha na walang pagkakaiba sa mag-aaral ang tradisyunal at pamamaraang komiks sa pagtuturo sa resulta ng performans ng mga magaaral sa asignaturang Filipino ay di tinatanggap sapakat batay sa konklusyon ng pag-aaral, ang kahusayan ng mag-aaral sa parehong pamamaraan ng mga pagtuturo ay kasiya-siya, bagaman may kaunting pagaas ng mga pag-unlad ng mag-aaral na sumailalim sa pamamarang komiks. Inirekomenda na pataasin ang mga antas ng komprehensyon sa pagbasa sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan na napapalooban ng mga Gawain tykad bg paglalapat ng akmang diyalogo sa mga lobo upang mabuo ang isang komiks. Sa ganitong paraan magkakaroon ng kakayahang makasunod, makapasa at masusubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Kinakailangang ang mga paarlaan ay makahanap ng pamamaraan upang mas maging madali ang pagsasakatuparan ng pamamaraang ito para sa panig ng mga mag-aaral, sa gayo'y mas mapaunlad pa ang kanilang pagkatuto lalo na sa asignaturang Filipino. Sa ganitong pamamaraan ay magiging kawili-wili sa pagtalakay sa mga aralin lalo na't kung ang bawat mag-aaral ay matutuklasan at mahahasa ang kanilang kasanayan sa paglalapat ng diyalogo sa mga lobo. Ang mga gurong gumagamit ng tradisyunal na pamamaraan ay mas magiging bihasa lalo na't kung sila mismo ay mapapaunlad nila ang kanilang kasanayan at magiging malikhain sa pagsusulat. Iminumungkahi ng magkaroon pa ng masusing pag-aaral upang magkaroon ng hgit na oras upang isagawa ang eksperimentong katulad nito, sa gayo'y magiging makabuluhan ang pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral. Upang masukat at mapataas pa ang antas ng komprehensyon sa pag basa ng mga mag-aaral batay sa mga akdang pampanitikan, ang mananaliksik ay may mungkahi na gumamit ng pamamaraan komiks. Dahil sa pamamaraangito nalilinang ang kasanayan pamamagitan ng pangkatang gawaing iniatas sa kanila ng guro. Higit na kasiya-siya ang ang pagaaral sa Filipino lalo na ngayong panahon ng modernisasyon sa pamamagitan ng komiks.
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)

Includes bibliographical references.

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa Pamamaraang komiks sa antas ng komprehensyon sa pagbasa sa asignaturang Filipino sa mga piling mag-aaral sa Grade 7-Science, Technology, And Engineering Program (STEP) sa Luakan National High School, taong panuruan 2014-2015. Ang mga respondent ng pag-aaral na ito ay nasa Grade 7 -STEP na binubuo ng tatlumpu (30) na hinati sa dalawang grupo sa paraang random sampling teknik. Mayroong walang (8) lalaki at pitong (7) babae sa bawat grupo. Sumasalilalim sa tradisyunal na pamamaraan ang labindalawa (15) at ang isang grupo naman ay nasa eksperimental. Sa pangangalap ng mga datos, ang mananaliksik ay gumamit ng Curicculum Module Guide ng K to 12 na sinipi ang akdang pampanitikan ng mga Bisaya na may pretest at posttest na may 35 aytem. Ang pagsusulit ay pinasagutan bago at pagkatapos isagawa ang tradisyunal at eksperimental na pamamaraan. Nagsagawa rin ng tatlong beses na balidasyon sa pag susulit. Bumuo rin ng instruksiyonal modyul na naglalaman ng mga Gawain na nakabatay sa aralin. Batay sa findings ng pag-aaral, nabatid na ang hinuha na walang pagkakaiba sa mag-aaral ang tradisyunal at pamamaraang komiks sa pagtuturo sa resulta ng performans ng mga magaaral sa asignaturang Filipino ay di tinatanggap sapakat batay sa konklusyon ng pag-aaral, ang kahusayan ng mag-aaral sa parehong pamamaraan ng mga pagtuturo ay kasiya-siya, bagaman may kaunting pagaas ng mga pag-unlad ng mag-aaral na sumailalim sa pamamarang komiks. Inirekomenda na pataasin ang mga antas ng komprehensyon sa pagbasa sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan na napapalooban ng mga Gawain tykad bg paglalapat ng akmang diyalogo sa mga lobo upang mabuo ang isang komiks. Sa ganitong paraan magkakaroon ng kakayahang makasunod, makapasa at masusubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Kinakailangang ang mga paarlaan ay makahanap ng pamamaraan upang mas maging madali ang pagsasakatuparan ng pamamaraang ito para sa panig ng mga mag-aaral, sa gayo'y mas mapaunlad pa ang kanilang pagkatuto lalo na sa asignaturang Filipino. Sa ganitong pamamaraan ay magiging kawili-wili sa pagtalakay sa mga aralin lalo na't kung ang bawat mag-aaral ay matutuklasan at mahahasa ang kanilang kasanayan sa paglalapat ng diyalogo sa mga lobo. Ang mga gurong gumagamit ng tradisyunal na pamamaraan ay mas magiging bihasa lalo na't kung sila mismo ay mapapaunlad nila ang kanilang kasanayan at magiging malikhain sa pagsusulat. Iminumungkahi ng magkaroon pa ng masusing pag-aaral upang magkaroon ng hgit na oras upang isagawa ang eksperimentong katulad nito, sa gayo'y magiging makabuluhan ang pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral. Upang masukat at mapataas pa ang antas ng komprehensyon sa pag basa ng mga mag-aaral batay sa mga akdang pampanitikan, ang mananaliksik ay may mungkahi na gumamit ng pamamaraan komiks. Dahil sa pamamaraangito nalilinang ang kasanayan pamamagitan ng pangkatang gawaing iniatas sa kanila ng guro. Higit na kasiya-siya ang ang pagaaral sa Filipino lalo na ngayong panahon ng modernisasyon sa pamamagitan ng komiks.

There are no comments on this title.

to post a comment.
Bataan Peninsula State University

  All rights Reserved
  Bataan Peninsula State University
  © 2024

Branches :

Abucay Campus: Bangkal, Abucay, Bataan, 2114
Bagac Campus: Bagumbayan, Bagac, Bataan 2107
Balanga Campus: Don Manuel Banzon Ave., Poblacion, City of Balanga, Bataan 2100
Dinalupihan Campus: San Ramon, Dinalupihan, Bataan, 2110
Orani Campus: Bayan, Orani, Bataan, 2112
Main Campus: Capitol Compound, Tenejero, City of Balanga, Bataan 2100

Powered by Koha