Paglinang at balidasyon ng grapikong organayser sa presentasyon ng aralin sa Filipino bilang instrumentong pang-interbensyon [manuscript] / Rowena M. Carreon.
Material type: TextPublication details: Balanga City : BPSU, 2016.Summary: Ang pangunahing suliranin sa pag-aaral na ito ay: Papaano makalilinang at mababalida ng mga eksperto ang mga nabuong grapikong organayser sa presentasyon ng aralin sa Filipino sa Dibisyon ng Bataan bilang instrumentong pang-interbensyon sa Panuruang Taon 2015-2016. Tinalakay sa pag-aaral na ito ang paglalarawan sa paglinang ng mga grapikong organayser; paglalarawan sa mga nalinang na grapikong organayser; paglalarawan sa pag-aanalisa ng mga eksperto sa mga nalinang na grapikong organayser; paglalarawan sa indeks ng balidad ng nilalaman mula sa lupon ng mga eksperto; paglalarawan sa relayabilidad ng pag-aanalisa; at ang mga implikasyon ng pag-aaral sa pagtuturo ng Filipino. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa 30 na respondente, kung saan 15 ay mga guro sa Filipino na may ranggong Head Teacher at 15 naman ay mga Master Teacher sa Dibisyon ng Bataan sa Panuruang Taon 2015-2016. Ginamit ng pag-aaral ang Istatistikang PASW 20 o mas kilala bilang SPSS bersyon 20 na kinapapalooban ng mga deskriptibong istatistik tulad ng dami ng bilang o frikwensi, porsyento, kabuuang mean, at inferensyal na istatistiks tulad ng t-test at f-test. Upang masukat naman ang interrater reliability base sa absolute agreement, ginamit ng pag-aaral na ito ang intraclass correlation coefficient (ICC). Mula sa mga resulta ng pag-aaral, napagtibay ng mananaliksik na sa kabuuan, masasabing ang mga grapikong organayser ay may buong-buong kabisaan, malinaw na malinaw at akmang-akma sa aralin ang mga konsepto at ideya; ang mga nalinang na grapikong organayser ay napakamabisa, partikular sa kabisaan sa kasanayang pinauunlad, kabisaan bilang kagamitan sa pagtuturo, at kabisaan sa pagtuturo ng konsepto; mataas ang indeks para sa paglalarawan ng nalinang na grapikong organayser, partikular sa paglalarawan ng nalinang na grapikong organayser, kabisaan sa kasanayang pinauunlad, kabisaan bilang kagamitan sa pagtuturo, at kabisaan sa pagtuturo ng konsepto; may pagkakahawig sa opinyon ng mga eksperto na naglarawan sa nalinang na grapikong organayser at kabisaan sa kasanayang pinauunlad ng grapikong organayser. Samantala, magkakaiba naman ang opinyon ng mga eksperto sa kabisaan ng grapikong organayser bilang kagamitan sa pagtuturo at kabisaan sa pagtuturo ng konsepto; at ang mga nalinang na grapikong organayser ay may mataas na tyansa na maging matagumpay bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga konsepto at gayundin ang malaking tyansa ng kabisaan nito kapag ginamit ng mga mag-aaral. Bagaman may pagkakaiba rin sa pagtingin ng mga eksperto sa lebel ng paggamit nito at pananaw ang mga dalubguro sa aralin kung saan akmang gamitin ang mga grapikong organayser at sa dalas ng paggamit nito sa silid aralan, ang paggamit nito sa iba't ibang porma ay makapagbibigay ng mahalagang datos sa paglinang ng mga grapikong organayser bilang instrumentong pang-interbensyon sa kabuuan. Mula sa mga resulta, ang sumusunod ay ipinapanukala: palawigin pa ang paggamit ng grapikong organayser sa iba't ibang aralin at kasanayan sa Filipino sa iba't ibang lebel upang lalo pang matasa ang kabisaan ng mga ito, lalo't higit sa pagpapalalim ng konseptwal na pagkatuto ng mga mag-aaral; dapat tiyak din ang mga kompetensiya na lilinangin sa paggamit ng mga grapikong organayser lalo na't napatunayan na mabisa ang mga ito bilang kagamitan sa pagtuturo ng mga kasanayang nililinang na madaling magpapadaloy sa pagkaunawa ng mga konsepto sa bawat aralin sa Filipino. Sa ganitong paraan, masisiguro ang mabisang paggamit sa mga ito; dapat ding matiyak ang malawakang pamamahagi sa paggamit ng mga nalinang na organayser bilang kagamitan sa pagtuturo ng mga kasanayan sa Filipino sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsasanay sa mga ito sa INSET (In-Service Training) at SLAC (School Learning Action Cell) na isinasagawa sa mga guro sa paaralan; maari ring ipasuring muli sa iba pang grupo ng mga eksperto ang nalinang na grapikong organayser upang mapagtibay pa nang husto ang kabisaan ng mga ito; ang paggawa ng inobasyon sa paguturo, lalo't higit sa paglikha ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo ng mga mahihirap na konsepto sa mga mag-aaral ay dapat isulong at ipagtibay; at maari ring magsagawa ng interest learning program upang lalo pang mapagtibay ang paggamit ng mga grapikong organayser batay sa iba't ibang interes ng mga dalubhasa sa pagpapalawig ng paggamit ng mga ito bilang instrumentong pang-interbensyon.Include bibliographical reference.
Ang pangunahing suliranin sa pag-aaral na ito ay: Papaano makalilinang at mababalida ng mga eksperto ang mga nabuong grapikong organayser sa presentasyon ng aralin sa Filipino sa Dibisyon ng Bataan bilang instrumentong pang-interbensyon sa Panuruang Taon 2015-2016. Tinalakay sa pag-aaral na ito ang paglalarawan sa paglinang ng mga grapikong organayser; paglalarawan sa mga nalinang na grapikong organayser; paglalarawan sa pag-aanalisa ng mga eksperto sa mga nalinang na grapikong organayser; paglalarawan sa indeks ng balidad ng nilalaman mula sa lupon ng mga eksperto; paglalarawan sa relayabilidad ng pag-aanalisa; at ang mga implikasyon ng pag-aaral sa pagtuturo ng Filipino. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa 30 na respondente, kung saan 15 ay mga guro sa Filipino na may ranggong Head Teacher at 15 naman ay mga Master Teacher sa Dibisyon ng Bataan sa Panuruang Taon 2015-2016. Ginamit ng pag-aaral ang Istatistikang PASW 20 o mas kilala bilang SPSS bersyon 20 na kinapapalooban ng mga deskriptibong istatistik tulad ng dami ng bilang o frikwensi, porsyento, kabuuang mean, at inferensyal na istatistiks tulad ng t-test at f-test. Upang masukat naman ang interrater reliability base sa absolute agreement, ginamit ng pag-aaral na ito ang intraclass correlation coefficient (ICC). Mula sa mga resulta ng pag-aaral, napagtibay ng mananaliksik na sa kabuuan, masasabing ang mga grapikong organayser ay may buong-buong kabisaan, malinaw na malinaw at akmang-akma sa aralin ang mga konsepto at ideya; ang mga nalinang na grapikong organayser ay napakamabisa, partikular sa kabisaan sa kasanayang pinauunlad, kabisaan bilang kagamitan sa pagtuturo, at kabisaan sa pagtuturo ng konsepto; mataas ang indeks para sa paglalarawan ng nalinang na grapikong organayser, partikular sa paglalarawan ng nalinang na grapikong organayser, kabisaan sa kasanayang pinauunlad, kabisaan bilang kagamitan sa pagtuturo, at kabisaan sa pagtuturo ng konsepto; may pagkakahawig sa opinyon ng mga eksperto na naglarawan sa nalinang na grapikong organayser at kabisaan sa kasanayang pinauunlad ng grapikong organayser. Samantala, magkakaiba naman ang opinyon ng mga eksperto sa kabisaan ng grapikong organayser bilang kagamitan sa pagtuturo at kabisaan sa pagtuturo ng konsepto; at ang mga nalinang na grapikong organayser ay may mataas na tyansa na maging matagumpay bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga konsepto at gayundin ang malaking tyansa ng kabisaan nito kapag ginamit ng mga mag-aaral. Bagaman may pagkakaiba rin sa pagtingin ng mga eksperto sa lebel ng paggamit nito at pananaw ang mga dalubguro sa aralin kung saan akmang gamitin ang mga grapikong organayser at sa dalas ng paggamit nito sa silid aralan, ang paggamit nito sa iba't ibang porma ay makapagbibigay ng mahalagang datos sa paglinang ng mga grapikong organayser bilang instrumentong pang-interbensyon sa kabuuan. Mula sa mga resulta, ang sumusunod ay ipinapanukala: palawigin pa ang paggamit ng grapikong organayser sa iba't ibang aralin at kasanayan sa Filipino sa iba't ibang lebel upang lalo pang matasa ang kabisaan ng mga ito, lalo't higit sa pagpapalalim ng konseptwal na pagkatuto ng mga mag-aaral; dapat tiyak din ang mga kompetensiya na lilinangin sa paggamit ng mga grapikong organayser lalo na't napatunayan na mabisa ang mga ito bilang kagamitan sa pagtuturo ng mga kasanayang nililinang na madaling magpapadaloy sa pagkaunawa ng mga konsepto sa bawat aralin sa Filipino. Sa ganitong paraan, masisiguro ang mabisang paggamit sa mga ito; dapat ding matiyak ang malawakang pamamahagi sa paggamit ng mga nalinang na organayser bilang kagamitan sa pagtuturo ng mga kasanayan sa Filipino sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsasanay sa mga ito sa INSET (In-Service Training) at SLAC (School Learning Action Cell) na isinasagawa sa mga guro sa paaralan; maari ring ipasuring muli sa iba pang grupo ng mga eksperto ang nalinang na grapikong organayser upang mapagtibay pa nang husto ang kabisaan ng mga ito; ang paggawa ng inobasyon sa paguturo, lalo't higit sa paglikha ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo ng mga mahihirap na konsepto sa mga mag-aaral ay dapat isulong at ipagtibay; at maari ring magsagawa ng interest learning program upang lalo pang mapagtibay ang paggamit ng mga grapikong organayser batay sa iba't ibang interes ng mga dalubhasa sa pagpapalawig ng paggamit ng mga ito bilang instrumentong pang-interbensyon.
There are no comments on this title.