TY - MANSCPT AU - Marticio,Benjun S. TI - Workteks sa pagtuturo ng piling panitikan ng Pilipinas sa Rehiyon 3 T2 - Workteks sa pagtuturo ng piling panitikan ng Pilipinas sa Rehiyon 3 PY - 2020/// CY - Balanga City PB - BPSU KW - Least mastered skill KW - sears N1 - Thesis (MAED - Filipino) - BPSU, 2020 N2 - Ang pangunahing suliranin sa pag-aaral na ito ay: Makapagtaya ng Workteks sa Pagtuturo ng Piling Panitikan ng Pilipinas sa Rehiyon 3 bilang kagamitang pampagtuturo sa Filipino sa baitang 7. Ang pag-aaral na ito isinagawa sa 43 respondente, kung saan may tatlong (3) eksperto na kinabibilangan ng mga guro ng Literatura at Wika na nakabuo na ng workteks at sampung (10) mga guro na nagtuturo sa ikapitong baitang sa junior high school sa Filipino, at tatlumpung (30) mag-aaral mula sa baitang 7. Ginamit sa pag-aaral ang Least Mastered Skills Competencies ng apat na malalaking paaralan sa bayan ng Dinalupihan, Bataan upang alamin ang mga pangunahing aralin kung saan hindi gaanong namaster ng mga mag-aaral. Ginamit ang Automated Readability Index (ARI) upang tukuyin ang antas ng grado at edad ng mambabasa upang masabi kung may kakayahan sila na unawain ang mga tekstong nakapaloob sa nabuong workteks. Ginamit din ang index of difficulties and discrimination, ginagamit ang mga estadistikal na pamamaraang ito upang makilala ang mga potensyal na problema sa aytem. Ginagamit ang mga estadistikal na pamamaraan upang makilala ang mga potensyal na problema sa item. Ang mga statistikal na resulta ay gagamitin upang matukoy kung may problema at kung ano ang dapat gawin upang itama ito. Ginamit naman ang mean upang matukoy ang average rating sa bawat aytem ng bawat kategorya at upang ilarawan kung paano tinaya at sinag-ayunan ng mga eksperto, guro at estudyante ang nabuong workteks batay sa nilalaman, pormat, presentasyon at organisasyon; at kawastuhan at napapanahong impormasyon. Mula sa resulta ng pag-aaral, napagtibay ng mananaliksik na sa kabuuan, masasabing ang nabuong workteks sa mga piling panitikan sa Rehiyon 3 ay lubhang kasiya-siya at angkop ang mga araling nakapaloob sa nabuong workteks. Ang nilalaman ay angkop sa antas ng pag-unlad ng mag-aaral. Batay naman sa pormat, presentasyon at organisayon; lumabas ring lubhang kasiya-siya ang nabuong workteks mula sa titik na ginamit, kalinawan at pagiging simple nito. Itinuturing din na ang kagamitan ay madaling dalhin. Sa pangkalahatan, napatunayan din na akma ang nabuong workteks sa edad at baitang ng mga mambabasa na target ng kagamitang ito. Bukod dito, ang workteks sa piling mga panitikan ng Pilipinas sa sa Rehiyon 3 ay maaaring subukin din sa ibang grupo ng mga respondente upang patunayan ang pagiging epektibo nito at upang mapabuti at mapahusay pa ang nilalaman nito sa paggamit ng iba pang pananaliksik gaya ng experemental na disenyo ER -