TY - MANSCPT AU - Mangune,Jayson Y. TI - Flash quiz app: isang inobasyon sa pagpapataas ng antas ng pag-unawa sa pagbasa ng Noli Me Tangere sa distrito ng Limay PY - 2022/// CY - Balanga City PB - BPSU KW - Educational technology KW - sears KW - Philippine literature KW - Philippines KW - Bataan KW - Limay N1 - Thesis (MAED-FIL) - BPSU, 2022 N2 - Ang pagpapataas ng antas ng pag-unawa sa pagbasa sa mga mag-aaral ay isang malaking hamon sa mga guro sa umiiral na panahon ngayon na kung saan ang mga aralin sa asignaturang Filipino ay nangangailangang basahin ang mga panitikan maging ang mga klasikong literatura. It ang naging inspirasyon at salalayan ng mananaliksik upang magsagawa ng eksperimental na pag-aaral kung ang paggamit ng isang application bilang interbensyon sa pagpapabasa ay magpapataas ng antas ng pag-unawa sa mga mag-aaral dahil batid na katuwang na ng guro ang educational softwares o application sa pagtuturo sa panahon ngayon upang maging aktibo at maging awtentiko ang karanasan ng mga mag-aaral. Sa patuloy na pag-unlad ng panahon hindi lamang ang projector, laptop o anumang audio-visual a materyales ang nagagamit ng mga guro maging ang mga application na makukuha sa Microsoft Store, Google Playstore, App Store at iba pang downloading sites. Malaking bagay na magamit ito ng mga guro upang maging organisado at moderno ang istilo ng kanilang pagtuturo lalo sa pagpapabasa ng teksto o anumang aralin. Sa pananaliksik na ito ay sinubukan ang Flash Quiz App na isang application mula sa Microsoft Store na gamitin bilang inobasyon sa pagbasa ng Noli Me Tangere, isang klasikong literatura. Ang mananaliksik ay gumamit ng eksperimental na paraan ng pananaliksik na tinatawag na Two-Group Experimental Designs at ang mga datos na nakalap ay ginamitan ng T-Test bilang pag-a-analisa sa kontrolado at eksperimental na pangkat sa loob ng isang linggo. Layunin nitong mabatid kung ang Flash Quiz App ay isang inobasyon sa pagpapataas ng antas ng pagbasa ng Noli Me Tangere sa mga pampublikong paaralan sa JHS sa distrito ng Limay tong pampanuruang 2021-2022. Inilapat ang mga hakbang sa pagkuha mg resulta sa pag-aaral na ito, una, inalam ng mananaliksik kung anong antas sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral bago gamitin ang Flash Quiz App sa pangkat ng eksperimental na ang aralin ay Noli Me Tangere (Kabanata 1-3) sa pamamagitan ng pagasasagawa ng pre-test. Ikalawa, tinukoy ng mananaliksik kung ano ang naging antas sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral na nasa pangkat eksperimental pagkatapos gamitin sa kanila ang Flash Quiz App bilang inobasyon sa aktwal na pagpapabasa ng mga dayalogo ng mga tauhan at mga mahahalagang pangyayari kung saan kinuha ang resulta batay sa kanilang post-test. Ikatlo, nang matapos ang pag-aaral, kinuha ang resulta ng mga datos na nasa pangkat ng eksperimental upang mabatid kung may kabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng pagbasa bago at pagkatapos ng pag-aaral gamit ang Flash Quiz. App. Ikaapat, pinagtuunan ng mananaliksik ang magging interpretasyon ng mga datos batay sa resulta ng pag-aaral kung may kabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng pagbasa ng nasa pangkat ng kontrolado at pangkat ng eksperimental. At sa huli, upang higit na makakalap ng impormasyon kung naging mabisa ang paggamit ng Flash Quiz App sa paglinang ng pag-unawa sa Noli Me Tangere ay kinuha ang resulta ng pagtataya ng mga mag-aaral na binubuo ng labing limang aytem. Sa resulta ng pag-aaral na ito, lumabas na ang Flah Quiz App ay isang inobasyon sa pagpapataas ng antas ng pag-unawa sa pagbasa ng Noli Me Tangere, isang klasikong literatura mula sa datos ng pre-post test na nagkaroon ng mas mataas na antas ng pag-unawa sa pagbasa ang mga mag-aaral na kabilang sa ekperimental na grupo kumpara sa kontroladong grupo. At sa paggamit ng Flash Quiz App ay nagpakita ng magandang epekto sa mga gumagamit kumpara sa hindi. Kaya may makabuluhang pagkakaiba ang mga pangkat na gumamit ng nasabing application (eksperimental na pangkat) sa pangkat ng hindi gumamit nito (kontroladong pangkat). Batay sa kinalabasan ng pag-aaral a ito ay maaaring magbigay-daan ito sa iba pang mananalisik a magkaroon ng karagdagang pag-aaral tungo sa paggamit ng application sa sistema ng edukasyon lalo na sa pagbabasa sa mga teksto ng mga mag-aaral upang mapataas ang antas ng kanilang komprehensyon. Flash Quiz App sa pangkat ng eksperimental na ang aralin ay Noli Me Tangere (Kabanata 1-3) sa pamamagitan ng pagasasagawa ng pre-test. Ikalawa, tinukoy ng mananaliksik kung ano ang naging antas sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral na nasa pangkat eksperimental pagkatapos gamitin sa kanila ang Flash Quiz App bilang inobasyon sa aktwal na pagpapabasa ng mga dayalogo ng mga tauhan at mga mahahalagang pangyayari kung saan kinuha ang resulta batay sa kanilang post-test. Ikatlo, nang matapos ang pag-aaral, kinuha ang resulta ng mga datos na nasa pangkat ng eksperimental upang mabatid kung may kabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng pagbasa bago at pagkatapos ng pag-aaral gamit ang Flash Quiz. App. Ikaapat, pinagtuunan ng mananaliksik ang magging interpretasyon ng mga datos batay sa resulta ng pag-aaral kung may kabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng pagbasa ng nasa pangkat ng kontrolado at pangkat ng eksperimental. At sa huli, upang higit na makakalap ng impormasyon kung naging mabisa ang paggamit ng Flash Quiz App sa paglinang ng pag-unawa sa Noli Me Tangere ay kinuha ang resulta ng pagtataya ng mga mag-aaral na binubuo ng labing limang aytem. Sa resulta ng pag-aaral na ito, lumabas na ang Flah Quiz App ay isang inobasyon sa pagpapataas ng antas ng pag-unawa sa pagbasa ng Noli Me Tangere, isang klasikong literatura mula sa datos ng pre-post test na nagkaroon ng mas mataas na antas ng pag-unawa sa pagbasa ang mga mag-aaral na kabilang sa ekperimental na grupo kumpara sa kontroladong grupo. At sa paggamit ng Flash Quiz App ay nagpakita ng magandang epekto sa mga gumagamit kumpara sa hindi. Kaya may makabuluhang pagkakaiba ang mga pangkat na gumamit ng nasabing application (eksperimental na pangkat) sa pangkat ng hindi gumamit nito (kontroladong pangkat). Batay sa kinalabasan ng pag-aaral a ito ay maaaring magbigay-daan ito sa iba pang mananalisik a magkaroon ng karagdagang pag-aaral tungo sa paggamit ng application sa sistema ng edukasyon lalo na sa pagbabasa sa mga teksto ng mga mag-aaral upang mapataas ang antas ng kanilang komprehensyon ER -