TY - MANSCPT TI - Kabisaan ng Paglikha ng Epektibong Modyul sa Filipino sa Paglinang ng mga Kasanayan Batay sa Antas Kaalaman, Proseso, Pag-unawa at Produkto PY - 2016/// CY - Philippines PB - Bataan Peninsula State University KW - Filipino Language KW - 2016 KW - Philippines KW - hardbound KW - sears N2 - Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Kabisaan ng Paglikha ng Epektibong Modyul sa Filipino Paglinang ng mga Kasanayan Batay sa Kaalaman,Proseso,Pag-unawa at Produkto sa mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang ng Pagalanggang National High School, Taong Panuruan 2015-2016. Ang mga respondente ay lahat ng mga mag-aaral na nasa Ikapitong Baitang na binubuo ng isang daan animnaput apat na mga lalaki (164) at isang daan pitomput limang mga babae (175) na may kabuuang tatlongdaan tatlomput' siyam (339) at dalawamput limang (25) mga guro sa Filipino. Na sumailalim sa diskriptibong pamamaraan. Sa panganagalap ng mga datos, ang mananaliksik ay lumikha ng mga Modyul alinsunod sa Bagong Kurikulum K to 12 na sinipi sa mga akdang pampanitikan mula sa Mindanao na pinag-aaralan sa unang markahan sa Filipino 7. May kasamang sarbey-kwestyuner at tseklist. Ang nabuong modyul ay naglalaman ng mga gawain ayon sa apat na domeyn ng kasanayang sinusukat, ito ang Kaalaman, Proseso, Pag-unawa at Produkto na nakabatay sa aralin para lalong tumaas ang komprehensyon ng mga mag-aaral sa pagbasa. Batay sa resulta ng pag-aaral napag-alaman na mataas ang kasanayan ng mga mag-aaral sa bawat domeyn na sinusukat. Sa kahusayan at epektibong paggamit ng modyul napatunayan na malaki ang naitutulong nito sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Kung kaya sa kongklusyon ng pag-aaral ay walang kaugnayan ang persepsyon ng mga mag-aaral at guro pagdating sa mga natatanging bahagi ng kasanayan Kaalaman, Proseso, Pag-unawa at Produkto kung kaya't hindi tinatanggi sapagkat di nagkakalayo ang reyting ng mag-aaral at mga guro. Bilang rekomendasyon lalo pang pataasin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa komprehensyon gamit ang mga nabuong mga modyul ng akdang pampanitikang rehiyunal upang maging matatas at lumawak ang nalalaman sa mga akdang pampanitikan. Kinakailangan din ang mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino ay maging malikhain upang makabuo ng mga bagong kagamitang pampagtuturo na lalong magpapadali sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Magkaroon ng tamang konstruksyon ng mga tanong ayon sa apat na domeyn na nililinang sa asignaturang Filipino upang lalong maging epektibo o episyente ang modyul. Ang modyul ay may malaking naitutulong sa pagiging mahusay ng mga mag-aaral, subalit kailangan pa rin ang gabay ng mga guro sa mga mag-aaral sa realidad ng buhay na kung saan hindi maibigay ng sapat ng pinag-aaralang modyul. Hinihikayat din ang mga guro na maging malikhain sa paggawa ng kagamitang pampagtuturo upang makuha ang interes ng mga mag-aaral at maging kawili-wili sa kanilang pag-aaral. Iminumungkahi rin sa mga gurong gumagamit ng makalumang pamamaraan sa pagtuturo na gumamit ng mga makabagong pamamaraan upang umayon sa panlasa ng mga makabagong kabataan. Upang lalo pang mapataas ang komprehensyon ng mga mag-aaral sa mga akdang pampanitikan, iminumungkahi ng mananaliksik na gamitin ang mga nabuong modyul sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Sapagkat sa pamamaraang ito lalong madedebelop sa mag-aaral ang maging mulat sa mga binabasang akda at matukoy ang mga magagandang kaisipan na nais ipahatid ng mga may-akda sa mga mag-aaral at higit sa lahat maging matatas sila sa mga kasanayang nililinang sa asignaturang Filipino ER -