Bataan Peninsula State University
Image from Google Jackets

Ang modular na paraan ng pagtuturo ng pampanitikang rehiyunal sa mga pampublikong paaralan sa distrito ng Orani sa panahon ng pandemya [manuscript] : batayan sa pagbuo ng isang mungkahing suplemental na modyul sa grade 7 / Jeanette D. Roman.

By: Material type: TextTextPublication details: Balanga City : BPSU, 2023.Description: xi, 207 pp. ; 28 cmSubject(s): Summary: Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Perspektibong Pagsusuri at Paglalarawan ng mga Guro sa mga Piling Modyul sa Filipino 7 sa mga Pampublikong Paralan sa Distrito ng Orani sa panahon ng pandemya. Ang respondente ng pag-aaral ay ma guro sa Filipino sa Grade 7 na nagtuturo ng Pampanitikang Rehiyunal sa iba't ibang pampublikong paralan sa Distrito ng Orani tulad ng Orani National Highs School-Main, Orani National High School Parang-Parang Annex, at Orani National High School Pag-asa. Batay sa bilang ng mga guro na respondente ay may kabuoang dami na sampu (10) lamang ang mga guro sa Grade 7 sa nasabing Disrtito ng Orani at karamihan ay babae na may bilang na siyam ( 9 ) at isang ( 1 ) lalake at may edad dalawampu't siyam (29) hanggang limampu (50) at may isa (1) hanggang dalawampung (20) taon na nagtuturo o tagal sa serbisyo. Sa pangangalap ng mga impormasyon at datos ay gumamit ang mananaliksik ng sarbey-kwestyuner batay sa rubrik na ginagamit o panukatang ginagamit sa pagsusuri ng modyul sa DepEd. Isinalin sa Filipino ng mananaliksik ang bawat aytem at nilalaman ng rubrik sa paraang teknikal na salin. Sinuri at sinaayos ng tagapayo at master teacher sa Filipino ang salin ng mananaliksik. Nilimitahan at inayos ng mananaliksik ang bawat kategorya sa rubrik na ginamit sa DepEd. Nahati ang sarbey-kwetyuneyr batay sa mga sumusunod: Mga kasanayang Pampagkatuto (Learning Competencies), Disenyo at Organisasyon sa pagtuturo (instructional design and organization), Instruksiyonal na kalidad (Instructional Quality), at pagtataya (assessment). Ang modyul na sinuri sa Grade 7 ay ang aktuwal na ginagamit ng mga mag-aaral sa Pampublikong paaralan sa Distrito ng Orani sa panahon a tayo ay nasa pandemya. Ang sinuring modyul ay mula sa Unang Markahan hanggang Ikatlong Markahan at gumamit ng random sampling sa pagpiling paksa at aralin sa bawat Markahan. Batay sa resulta na lumabas sa pag-aaral, sa paglalarawan sa profayl ng mga guro sa Grade 7 ito ay nakabatay sa kasarian, edad, at tagal sa serbisyo. Sampu (10) ang naging respondente siyam na babe at isang lalake, may mga edad na dalawamput siyam (29) hanggang limampu (50). Gayundin may danas at karanasan sa pagtuturo mula isa (1) hanggang dalawampu (20). Batay sa sinuring modyul sa Unang Markahan gamit ang rubrik may mean ito na 4.03 na katumbas a sumasang-ayon ang mga respondente sa ginamit nilang modyul, 4.08 na mean naman na may katumbas sumasang-ayon din sa Ikalawang Markahan. Sa Ikatlong Markahan naman ay may mean na 4.16 batay sa lumabas na resulta na may katumbas na sumasangayon. Sa kabuoan sa pagsusuri at paglalarawan ng modyul sa Grade 7 na ginamit ng mga guro sa panahon ng pandemya gamit ang modular a pamamaraan ng pagtuturo ay sumasang-ayon ang mga respondente. Naka-angla ang modyul sa learning competencies sa Filipino ng Basic Curriculum Guide ng K- 12 mula sa Kagawaran ng Edukasyon at iba pang konsepto nito. Bagama't may dapat ayusin batay sa lumabas na resulta. Umaangkop din ang modyul na ginamit sa mga teorya at pag-aaral ng mga iba't ibang eskperto sa pagbuo at pagtuturo ng modyul.
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Call number Status Date due Barcode
Theses Main-Graduate School Library Theses 899.2108 R758 (Browse shelf(Opens below)) Available 3BPSU00043509W

Thesis (MAED-FIL) - BPSU, 2023.

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Perspektibong Pagsusuri at Paglalarawan ng mga Guro sa mga Piling Modyul sa Filipino 7 sa mga Pampublikong Paralan sa Distrito ng Orani sa panahon ng pandemya. Ang respondente ng pag-aaral ay ma guro sa Filipino sa Grade 7 na nagtuturo ng Pampanitikang Rehiyunal sa iba't ibang pampublikong paralan sa Distrito ng Orani tulad ng Orani National Highs School-Main, Orani National High School Parang-Parang Annex, at Orani National High School Pag-asa. Batay sa bilang ng mga guro na respondente ay may kabuoang dami na sampu (10) lamang ang mga guro sa Grade 7 sa nasabing Disrtito ng Orani at karamihan ay babae na may bilang na siyam ( 9 ) at isang ( 1 ) lalake at may edad dalawampu't siyam (29) hanggang limampu (50) at may isa (1) hanggang dalawampung (20) taon na nagtuturo o tagal sa serbisyo. Sa pangangalap ng mga impormasyon at datos ay gumamit ang mananaliksik ng sarbey-kwestyuner batay sa rubrik na ginagamit o panukatang ginagamit sa pagsusuri ng modyul sa DepEd. Isinalin sa Filipino ng mananaliksik ang bawat aytem at nilalaman ng rubrik sa paraang teknikal na salin. Sinuri at sinaayos ng tagapayo at master teacher sa Filipino ang salin ng mananaliksik. Nilimitahan at inayos ng mananaliksik ang bawat kategorya sa rubrik na ginamit sa DepEd. Nahati ang sarbey-kwetyuneyr batay sa mga sumusunod: Mga kasanayang Pampagkatuto (Learning Competencies), Disenyo at Organisasyon sa pagtuturo (instructional design and organization), Instruksiyonal na kalidad (Instructional Quality), at pagtataya (assessment). Ang modyul na sinuri sa Grade 7 ay ang aktuwal na ginagamit ng mga mag-aaral sa Pampublikong paaralan sa Distrito ng Orani sa panahon a tayo ay nasa pandemya. Ang sinuring modyul ay mula sa Unang Markahan hanggang Ikatlong Markahan at gumamit ng random sampling sa pagpiling paksa at aralin sa bawat Markahan. Batay sa resulta na lumabas sa pag-aaral, sa paglalarawan sa profayl ng mga guro sa Grade 7 ito ay nakabatay sa kasarian, edad, at tagal sa serbisyo. Sampu (10) ang naging respondente siyam na babe at isang lalake, may mga edad na dalawamput siyam (29) hanggang limampu (50). Gayundin may danas at karanasan sa pagtuturo mula isa (1) hanggang dalawampu (20). Batay sa sinuring modyul sa Unang Markahan gamit ang rubrik may mean ito na 4.03 na katumbas a sumasang-ayon ang mga respondente sa ginamit nilang modyul, 4.08 na mean naman na may katumbas sumasang-ayon din sa Ikalawang Markahan. Sa Ikatlong Markahan naman ay may mean na 4.16 batay sa lumabas na resulta na may katumbas na sumasangayon. Sa kabuoan sa pagsusuri at paglalarawan ng modyul sa Grade 7 na ginamit ng mga guro sa panahon ng pandemya gamit ang modular a pamamaraan ng pagtuturo ay sumasang-ayon ang mga respondente. Naka-angla ang modyul sa learning competencies sa Filipino ng Basic Curriculum Guide ng K- 12 mula sa Kagawaran ng Edukasyon at iba pang konsepto nito. Bagama't may dapat ayusin batay sa lumabas na resulta. Umaangkop din ang modyul na ginamit sa mga teorya at pag-aaral ng mga iba't ibang eskperto sa pagbuo at pagtuturo ng modyul.

There are no comments on this title.

to post a comment.
Bataan Peninsula State University

  All rights Reserved
  Bataan Peninsula State University
  © 2024

Branches :

Abucay Campus: Bangkal, Abucay, Bataan, 2114
Bagac Campus: Bagumbayan, Bagac, Bataan 2107
Balanga Campus: Don Manuel Banzon Ave., Poblacion, City of Balanga, Bataan 2100
Dinalupihan Campus: San Ramon, Dinalupihan, Bataan, 2110
Orani Campus: Bayan, Orani, Bataan, 2112
Main Campus: Capitol Compound, Tenejero, City of Balanga, Bataan 2100

Powered by Koha