000 | 03989ntm a2200241 i 4500 | ||
---|---|---|---|
001 | 14016 | ||
003 | 0000000000 | ||
005 | 20240307071823.0 | ||
008 | 160419n 000 0 eng d | ||
035 | _a(0000000000)61521 | ||
040 | _erda | ||
245 | 0 | 0 |
_aEpekto ng Pamamaraang Komiks sa Antas ng Komprehensyon sa Pagbasa / _cRavago, Marites Manrique. |
264 | 4 |
_aBataan Peninsula State University : _bRavago, Marites Manrique, _cMarch 2015 |
|
300 |
_a116 p. ; _c27 cm. |
||
336 |
_atext _2rdacontent |
||
337 |
_aunmediated _2rdamedia |
||
338 |
_avolume _2rdacarrier |
||
490 | 1 | _aEPEKTO NG PAMAMARAANG KOMIKS SA ANTAS NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA | |
500 | _aIncludes bibliographical references. | ||
520 | _aAng pag-aaral na ito ay ukol sa Pamamaraang komiks sa antas ng komprehensyon sa pagbasa sa asignaturang Filipino sa mga piling mag-aaral sa Grade 7-Science, Technology, And Engineering Program (STEP) sa Luakan National High School, taong panuruan 2014-2015. Ang mga respondent ng pag-aaral na ito ay nasa Grade 7 -STEP na binubuo ng tatlumpu (30) na hinati sa dalawang grupo sa paraang random sampling teknik. Mayroong walang (8) lalaki at pitong (7) babae sa bawat grupo. Sumasalilalim sa tradisyunal na pamamaraan ang labindalawa (15) at ang isang grupo naman ay nasa eksperimental. Sa pangangalap ng mga datos, ang mananaliksik ay gumamit ng Curicculum Module Guide ng K to 12 na sinipi ang akdang pampanitikan ng mga Bisaya na may pretest at posttest na may 35 aytem. Ang pagsusulit ay pinasagutan bago at pagkatapos isagawa ang tradisyunal at eksperimental na pamamaraan. Nagsagawa rin ng tatlong beses na balidasyon sa pag susulit. Bumuo rin ng instruksiyonal modyul na naglalaman ng mga Gawain na nakabatay sa aralin. Batay sa findings ng pag-aaral, nabatid na ang hinuha na walang pagkakaiba sa mag-aaral ang tradisyunal at pamamaraang komiks sa pagtuturo sa resulta ng performans ng mga magaaral sa asignaturang Filipino ay di tinatanggap sapakat batay sa konklusyon ng pag-aaral, ang kahusayan ng mag-aaral sa parehong pamamaraan ng mga pagtuturo ay kasiya-siya, bagaman may kaunting pagaas ng mga pag-unlad ng mag-aaral na sumailalim sa pamamarang komiks. Inirekomenda na pataasin ang mga antas ng komprehensyon sa pagbasa sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan na napapalooban ng mga Gawain tykad bg paglalapat ng akmang diyalogo sa mga lobo upang mabuo ang isang komiks. Sa ganitong paraan magkakaroon ng kakayahang makasunod, makapasa at masusubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Kinakailangang ang mga paarlaan ay makahanap ng pamamaraan upang mas maging madali ang pagsasakatuparan ng pamamaraang ito para sa panig ng mga mag-aaral, sa gayo'y mas mapaunlad pa ang kanilang pagkatuto lalo na sa asignaturang Filipino. Sa ganitong pamamaraan ay magiging kawili-wili sa pagtalakay sa mga aralin lalo na't kung ang bawat mag-aaral ay matutuklasan at mahahasa ang kanilang kasanayan sa paglalapat ng diyalogo sa mga lobo. Ang mga gurong gumagamit ng tradisyunal na pamamaraan ay mas magiging bihasa lalo na't kung sila mismo ay mapapaunlad nila ang kanilang kasanayan at magiging malikhain sa pagsusulat. Iminumungkahi ng magkaroon pa ng masusing pag-aaral upang magkaroon ng hgit na oras upang isagawa ang eksperimentong katulad nito, sa gayo'y magiging makabuluhan ang pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral. Upang masukat at mapataas pa ang antas ng komprehensyon sa pag basa ng mga mag-aaral batay sa mga akdang pampanitikan, ang mananaliksik ay may mungkahi na gumamit ng pamamaraan komiks. Dahil sa pamamaraangito nalilinang ang kasanayan pamamagitan ng pangkatang gawaing iniatas sa kanila ng guro. Higit na kasiya-siya ang ang pagaaral sa Filipino lalo na ngayong panahon ng modernisasyon sa pamamagitan ng komiks. | ||
650 | 7 |
_aPagbabasa _x2015 _xPhilippines _xHard Bond. _2sears |
|
999 |
_c4298 _d4298 |